IQNA

Mga Pagpapala ng Paraiso Ayon sa Qur’an

18:39 - February 15, 2024
News ID: 3006637
IQNA – Ang mga pagpapala ng paraiso, ayon sa Qur’an, ay may iba't ibang mga uri, ang iba ay materyal, ang iba ay espirituwal, at ang iba ay ang kawalan ng mga kaguluhan at mga abala.

Sa Surah Al-Fatir, Talata 33, ang Qur’an ay tumutukoy sa materyal na isa: "Sila ay papasok sa Halamanan ng Eden, kung saan sila ay palamutihan ng mga pulseras na ginto at ng mga perlas, at doon, ang kanilang mga damit ay magiging seda."

Ang mga mananampalataya sino hindi pinansin ang makamundong pagnanasa at hindi naghangad na magsuot ng magagarang damit sa mundong ito ay tatanggap ng pinakamagandang mga damit at mga alahas sa kabilang buhay.

Ang diwa ng mga pagpapala ng paraiso ay hindi lubos na mauunawaan ng mga nabubuhay sa mundong ito. Halimbawa, kahit na ang ilang mga paglalarawan tungkol sa mga damit ng mga tao sa paraiso ay katulad sa mga nasa mundong ito, ang mga ito ay talagang naiiba sa kalikasan. Ang mga paglalarawang ito ay nilalayong ituro kung gaano kaganda, kaakit-akit at maginhawa ang mga damit ng paraiso.

Sa susunod na talata, ang kapayapaan ng isip at kawalan ng kalungkutan ay binanggit bilang isang espirituwal na pagpapala ng paraiso:

“At sila ay magsasabi: ‘(Lahat) ng papuri ay para kay Allah, Sino nagpaalis sa amin ng dalamhati; katiyakan na ang ating Panginoon ay Mapagpatawad, na nagpaparami ng mga gantimpala.’” (Talata 34 ng Surah Al-Fatir)

Ang dalawang katangian ng Diyos na binanggit sa dulo ng mga talata, ito ay Ghafour (Mapagpatawad) at Shakour (Tagapagparami ng mga gantimpala) ay nagpapakita na ang mga pagpapala ng paraiso ay ang kahihinatnan ng Diyos na nagpapatawad at ang Diyos ay nagpaparami ng mga gantimpala ng mabubuting mga gawa.

Magbasa pa:

  • Mga Pangalan at mga Antas ng Paraiso sa Qur’an

Sa susunod na talata, mababasa natin: “(Sinasabi ng mga pumapasok sa paraiso:) Siya ang nagbigay sa atin, sa pamamagitan ng Kanyang pabor, ng isang walang-hanggang tahanan kung saan hindi tayo makakaranas ng kahirapan o anumang pagkapagod. (Talata 35 ng Surah Al-Fatir)

Kaya sa paraiso, lahat ng kailangan para sa kapayapaan ng isip at kaligayahan ay makukuha. Sa mundong ito, maaaring may mga taong may kapakanan at kayamanan ngunit bihira ang kalmado at kapayapaan ng isip. Ang mga tao sa paraiso, gayunpaman, ay hindi lamang may kapakanan at kaginhawahan, ngunit malayo rin sa anumang kalungkutan. Ang paraiso ay ang lugar kung saan mayroong tunay na kapayapaan at walang kalungkutan, pagdurusa at paghihirap.

 

3487155

captcha